Ang impormasyon ukol sa biller sa ibaba ay hindi na bahagi ng mga serbisyo ng Coins.ph.
Kung may karagdagan updates, ibabahagi namin ito sa aming official Website at social channels!
Sa ngayon ay maaaring icheck ang mga available na biller sa Coins app: Anu anong mga bills ang maaaring bayaran gamit ang Coins.ph
Paalala: Ang impormasyon sa ibaba ay hindi na angkop sa kasalukuyan.
---------------------------------------------
Ang Taxumo ay isang online platform kung saan makakapagbayad kayo ng buwis online.
Pagkatapos kayo magparehistro at ilagay ang inyong mga detalye sa Taxumo, maaari ninyong gamitin ang Coins.ph para magbayad.
Narito ang step-by-step guide:
Step 1: Buksan ang inyong Coins.ph wallet at i-tap ang Pay Bills.
Step 2: Mag-scroll papunta sa Merchants at i-tap ang Taxumo.
Step 3: Ilagay ang halata ng babayarin. Maaari kayong magbayad mula ₱500 – ₱90,000.
Step 4: Ilagay ang inyong mga detalye: Taxpayer Name, Taxpayer TIN No., at Taxumo Reference Number.
Step 5: I-review ang lahat ng detalye at i-slide to confirm! Maaaring umabot ng 3 business days ang processing time ng inyong bill payment.
1. Paano gumawa ng Taxumo account?
Maaaring bisitahin ang kanilang sign up page at gumawa ng Taxumo account. Siguraduhin na may Taxumo account na kayo bago gumawa ng transaksyon sa merchant na ito.
2. May fee ba kada transaksyon?
Walang fee/bayad kapag binabayaran ninyo ang inyong Taxumo account.
3. Paano kung nagkamali ako sa pag-type ng aking Taxumo payment details?
Maaari ninyong i-contact ang aming support team o magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng Coins.ph app.