Ang inyong monthly trading volume ay kinakalkula sa isang rolling basis mula 8:00 AM (PHT) noong nakaraang 30 araw hanggang 8:00 AM kahapon. Ibig sabihin nito, ang bagong fee ay kusang mailalapat sa araw pag tapos na ang inyong monthly trading volume at umabot ito sa susunod na threshold.
Upang magbigay ng halimbawa, kung ikaw ay naglagay ng order ngayon, Setyembre 25, 2023 5:00 PM (PHT), ang RTV calculation ay mula August 25, 2023 hanggang Setyembre 24, 2023 lamang. Kung gagawa ka ng malaking trade na magpapataas ng inyong RTV na higit sa PHP 2M, ang inyong trading fee ay magbabago at magiging 0.11% sa Setyembre 26, 2023 8:00 AM (PHT).