Gumagamit ang Coins Pro ng Maker-taker fee model para sa trading fees nito. Inilalapat ang maker fees sa mga orders na nagbibigay ng liquidity sa order book habang ang taker fees ay inilalapat sa mga orders na nagbabawas ng liquidity.
Bilang karagdagan, inilalapat ang maker fees sa mga orders na hindi agad-agad nama-match sa mga orders na naroon na sa order book. Hangga’t may mahanap na counterparty, mananatili ang order sa order book, at nagbibigay ito ng liquidity. Kapag na-execute na ang order, sinisingil ang maker ng maker fees. Sa kabilang banda, inilalapat ang taker fees sa mga orders na nae-execute agad, kaya nababawasan ang liquidity sa order book.
Upang magbigay ng mga halimbawa:
- Lahat ng mga market orders, buy o sell order man, ay sinisingil ng taker fees.
- Stop market ay sinisingil ng taker fees kapag naabot ang kanilang stop price at nae-execute agad ang market order.
- Halimbawa, kung ang kasalukuyang ask price ng BTC ay PHP 2,000,000. Kapag gumamit sila ng Limit Order para bumili ng 1 BTC sa presyong PHP 1,950,000, hindi ito agad nae-execute at nananatili sa order book. Kapag umabot ang ask price sa PHP 1,950,000, nae-execute ang kanilang order at sinisingil sila ng maker fee.
- Kapag ang parte ng kanilang order ay nama-match agad-agad, ang bahagi na iyon ay sisingil ng taker fee. Ang nanatiling bahagi ay mapupunta sa order book, at masisingilan sila ng maker fee kapag kinuha ng counterparty.
Nakabase ang maker at taker fees sa kanilang Rolling Trade Volume [Tingnan: Paano kinakalkula ang aking trading fees?]. Makikita ang kalkulasyon ng kanilang monthly RTV dito.