Ang inyong monthly trading volume ay kinakalkula sa isang rolling basis mula 8:00 AM (PHT) noong nakaraang 30 araw hanggang 8:00 AM kahapon. Ibig sabihin nito, ang bagong fee ay kusang mailalapat sa araw pag tapos na ang inyong monthly trading volume at umabot ito sa susunod na threshold.
Upang magbigay ng halimbawa, kung ikaw ay naglagay ng order ngayon, September 25, 2021 5:00 PM (PHT), ang RTV calculation ay mula August 25, 2021 hanggang September 24, 2021 lamang. Kung gagawa ka ng malaking trade na magpapataas ng inyong RTV na higit sa PHP 2M, ang inyong trading fee ay magbabago at magiging 0.11% sa September 26, 2021 8:00 AM (PHT).