Ang Bitcoin Cash network ay ipasasailalim sa isang itinakdang protocol change sa Nobyembre 15, 2020 8:00 PM Philippine time. Dahil sa mga nakikipagkumpitensya na panukala, Bitcoin Cash ABC (BCHA) at Bitcoin Cash Node (BCHN), sa mga nakaplanong pagbabago sa roadmap, malamang na may mafo-fork na token mula sa pangunahing Bitcoin Cash network bilang resulta ng upgrade.
Kahit may mga maagang pahiwatig na isa sa mga panukala ay nakatanggap ng mas malawak na pagpapatibay sa industriya, susubaybayan namin ang kalagayan ng Bitcoin Cash Network at susuportahin ang nangingibabaw na bersyon ng BCH, na magpapatuloy bilang Bitcoin Cash sa Coins.ph platform.
Upang ma-secure ang inyong BCH habang nangyayari ang upgrade, ipapatupad ang mga hakbang sa Coins.ph at Coins Pro simula sa Nobyembre 15, 2020 sa 7:00 AM (PHT). Magkakabisa ang mga hakbang na ito hangang maliwanag na matatag na ang BCH network:
- Pansamantalang di-pagpapagana ng pagpapadala, pagtatanggap, at pagco-convert ng Bitcoin Cash sa Coins.ph
- Pansamantalang suspensyon ng Bitcoin Cash trading sa Coins Pro
- Awtomatikong pagkansela ng anumang open orders ng Bitcoin Cash sa Coins Pro
Sa panahon ng downtime, magtatrabaho ang aming team upang mapangalagaan ang teknikal na kinakailangan at susubaybayan ang mga katuparan kaya hindi kailangang gumawa ng anumang aksyon ang mga customer para sa upgrade na ito. Magsa-save din kami ng talaan ng mga balanse ng Bitcoin Cash ng mga customer sa Coins.ph at Coins Pro. Gayunman, paalala po na hindi isasama sa balance snapshot ang mga incoming transactions na hindi nakatanggap ng 12 confirmation counts bago ang downtime.
Kung makatanggap ang minority proposal ng sapat na suporta pagkatapos ng paghahati ng chain, ipapasya ng Coins.ph kung magiging posible ang redemption, katulad ng Bitcoin SV fork dati. Paalala po lamang na hindi namin ginagarantya ang redemption at inirerekomenda naming ilipat ang inyong Bitcoin Cash balance sa isang external wallet kung nais ninyong magkaroon ng ganap ng kontrol ng inyong pera, pati na rin ang magreresultang paghahati.
Papaganahin namin muli ang Bitcoin Cash service kapag maliwanag na ang network ay matatag na.
Kung may katanungan po kayo, paki-reach out sa aming team sa help@coins.ph.