Ang DragonPay ang aming third-party payment solution sa pag-proseso ng cash ins.
Sa tuwing pipiliin ang mga over-the-counter cash in options na "via Dragonpay," may mga panutong ibibigay para mag-deposit sa bank account ng DragonPay. Matapos ito, ivavalidate ang inyong bayad sa DragonPay website gamit ang impormasyong nakasaad sa bank deposit slip.
Mayroon dalawang over-the-counter bank cash in option via Dragonpay: BPI at Chinabank over-the-counter deposit.
Para magcash in gamit ang Chinabank, sundin lang ang sumusunod:
1. Buksan ang inyong Coins.ph account at pumunta sa Cash in.
Makikita sa baba ang ibang pagpipilian. Para makita ang Chinabank (via DragonPay) option, pumunta Over-The-Counter Banking at piliin ang pangalawang option:
Ilagay ang halaga na gustong icash in at iclick ang Pay with DragonPay.
Madadirect kayo sa DragonPay site na magpapaalala sa inyo na paipadala na ang email na nagtataglay ng payment instructions para sa inyong cash in. Maaari niyo ring makita ang instructions sa pagclick ng "view it online".
Sa inyong email (o spam/junk folder), makikita niyo ang subject na "Deposit Instruction" na manggagaling sa DragonPay. Dito nakalagay ang payment instructions at ang importanteng detalye tulad ng bank account name, bank account number, at payment confirmation link na kailangan para makumpleto ang inyong cash in.
Halimbawa ng email:
2. Pumunta sa pinakamalapit na Chinabank branch at mag-deposit.
Kumuha ng deposit slip at ilagay ang detalye ng DragonPay bank account na inyong natanggap sa email. Magdeposit ng pera para sa inyong cash in at hintayin ang bank teller bigyan kayo ng deposit slip. Siguraduhing hindi mawala ang deposit slip na ito sapagkat kailangan ang impormasyon para maivalidate ang inyong bayad.
Ito ang sample ng Chinabank deposit slip:
3. Pumunta sa confirmation link na naroon sa email instruction na ipinadala ng Dragonpay.
Sundan ang mga panuto na nakasaad sa email at ilagay ang sumusunod na impormasyon sa confirmation form:
- Branch code
- Araw at oras ng inyong deposit
- Eksatong halaga na idineposit
Maghintay lang ng ilang minuto bago mavalidate ang inyong cash in. Siguraduhing tama ang lahat ng impormasyon bago isumite para maiwasan ang delay sa pag-proseso ng inyong cash in.
4. Makakatanggap ng email mula Coins.ph na nagsasaad na marked as paid na ang inyong cash in, at madadagdag na sa inyong Coins.ph Peso wallet ang inyong cash in.
Ganun lamang kadali! Para sa mga karagdagang katanungan, huwag mag-atubiling mag-message sa amin sa help@coins.ph.