Hindi sigurado kung saan makikita ang tracking number o mga claiming details ng inyong remittance cash out transaction? May quick guide kami para hanapin ito!
Una, kumpirmahin muna kung naiproseso na po ang inyong cash out transaction. Karamihan ng mga option namin ay pinoproseso agad-agad, ngunit may nakatakdang tagal ng pagproseso ang mga ilang option, tulad ng Palawan Express. Kung ang status ng inyong cash out ay “Request being processed” sa transaction history, kailangan munang antayin na magbago ito tungo sa “Transaction completed” para matanggap ang mga claiming details. Nakalagay rin po ang estimated delivery time para mabigyan kayo ng ideya kung kailan ninyo matatanggap ang mga detalye:
Maaari ring tumungo sa artikulong ito para sa mga processing time ng aming mga cash out option: Bakit hindi ko pa natatanggap ang aking cash out?
Kapag handa na ang cash out ninyo, ipapadala ang claiming details sa inyo sa pamamagitan ng tatlong paraan: 1) sa Coins.ph app; 2) sa mobile number na nailagay sa transaksyon; 3) ang inyong registered email address sa Coins.ph.
Sa Coins.ph app, makikita ninyo ang tracking number kapag pumunta kayo sa specific cash out order sa History. Lalabas po dapat ang mga detalye sa ilalim ng “transaction reference number” o “tracking number”, depende sa piniling opsyon. Narito ang isang halimbawa ng Palawan cash out bilang reperensiya:
Kailangan pa po ng tulong sa inyong cash out transaction? Magmensahe sa amin sa Coins.ph app o mag-email sa help@coins.ph.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.