Dahil mayroong iba't ibang cash out outlets, ang pinakamaliit at pinakamalaking halaga na maaaring i-cash out ay nakadepende sa inyong napiling outlet at account limits.
Minimum Cash Out
Ang pinakamaliit na halaga ng cash out sa mga outlets sa ibaba ay ang sumusunod:
- InstaPay: ₱1.00
- PESONet: ₱5.00
- Remittance Outlets (via DragonPay): ₱1,000.00
Maximum Cash Out
Ang pinakamalaking halaga na pwedeng icash out kada transaksyon ay nakadepende sa dalawang bagay:
- Limit kada Transaksyon: Karamihan sa mga cash-out option ay mayroong ₱50,000 limit kada transaksyon (maaaring may ibang limut ang PESONet)
- Nalalabing Daily Withdrawal Limit: Nakadepende sa inyong verification level
Levels at Limits ng Verification
Verification Level | Description |
Daily Withdrawal Limit (PHP) |
Monthly Withdrawal Limit (PHP) |
Annual Withdrawal Limit (PHP) |
Identity Verified | ID and Selfie Verified | 500,000 | 10,000,000 | 120,000,000 |
Enhanced Verified |
Source of Income Verified | 10,000,000 | 200,000,000 | 2,400,000,000 |
Paano pataasin ang inyong Withdrawal Limits?
Habang ang inyong cash out limit ay nakadepende sa inyong kasalukuyang verification level, maaari itong pataasin sa pagsubmit ng verification request, magpasa lamang ng inyong Proof of Income para maging Enhanced Verified.
Frequently Asked Questions
Maaari ba akong magcash out nang walang verification?
Hindi, pagsign up ay mayroon ka lamang 0 PHP withdrawal limit, kaya’t ang Identity Verification ay kailangan upang makapagcash out.
Ano ang mangyayari kung lumagpas sa daily limit?
Ang transaksyon na lalagpas sa daily limit ay agad na madedecline. Kailangan maghintay ng 24 hours upang magrefresh ng limit, o mag-apply sa mas mataas na verfication level. Dagdag sa pagrefresh ng transaction limits dito.
Anong transactions ang makakaapekto sa aking withdrawal limit?
Ang pagcash out mula sa inyong PHP o crypto wallet ay mabibilang na sa inyong withdrawal limit. Matuto sa mga transaksyon na makakadagdag sa inyong limits dito.