Maaari niyong makuha o ipadala ang pera niyo sa inyong Coins.ph wallet sa pamamagitan ng aming cash out options tulad ng e-wallet, bank transfer at remittance centers.
Paalala lamang na kinakailangang ID and selfie verified ang inyong Coins.ph account upang makapag-cash out.
Para sa mga InstaPay at PESONet outlets, kailangan din na phone verified ang inyong Coins.ph account.
Sundan lamang ang mga hakbang na ito:
Sa Coins App
1. Mula sa Portfolio tab, pindutin ang Withdraw button.
2. Piliin ang Cash Out.
3. Sa Cash Out options mag-scroll sa options o gamiting ang search bar:
4. Piliin ang nais na Delivery Time (magkakaiba ang fee nito) at ilagay ang Amount ng Cash Out. Ilagay ang mga sumusunod na detalye:
- Account Holder Name
- Bank Account Number
- Mobile Number (Optional)
Sa Coins Website
1. Mag-log in sa inyong Coins account gamit ang web browser, pindutin ang Portfolio sa kaliwang bahagi ng creen.
2. Sa inyong Balances, piliin ang Peso PHP wallet.
2. Sa itaas na kanang bahagi ng screen, piliin ang Cash Out
3. Sa Cash Out options mag-scroll sa options o gamiting ang search bar:
4. Piliin ang nais na Delivery Time (magkakaiba ang fee nito) at ilagay ang Amount ng Cash Out. Ilagay ang mga detalye ng inyong recipient.
Para sa kumpletong listahan ng cash out options basahin rito.
Para sa real-time updates bisitahin ang aming Status Page.