Ano ang InstaPay?
Ang InstaPay ay isang electronic fund transfer (EFT) service na nagbibigay-daan sa mga customer na maglipat ng PHP funds agad-agad sa mga account ng participating BSP-supervised banks at non-bank e-money issuers sa Pilipinas. Available ang service 24x7, sa buong taon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa InstaPay, maaaring bisitahin ang http://www.bsp.gov.ph/payments/nrps_overview.asp
Sinu-sino ang makakapag-cash out sa InstaPay?
Kailangan na hindi bababa sa level 2 verified ang Coins account at may verified mobile number na konektado sa account para makapag-cash out sa InstaPay.
*Level 2 Verified:
Phone Verification |
✔ |
Identity Verification |
✔ |
Selfie Verification |
✔ |
Paano ako makakapag-cash out sa InstaPay?
Mga hakbang kung paano mag-cash out sa InstaPay:
1. Piliin ang Cash Out mula sa Discover tab ng Coins.ph App.
2. I-click ang Bank at piliin ang bangko kung saan ninyo nais tanggapin ang cash out.
3. Ilagay ang halaga na ica-cash out at piliin ang InstaPay bilang inyong cash out method (Fee ng 15 PHP/transaction)
4. Ilagay ang mga sumusunod na detalye:
- Account Holder Name
- Bank Account Number
- Mobile Number (Optional)
5. I-slide to confirm.
- Nag-aapply ang cash out limit
Alin-alin ang mga bangko na makakagamit ng InstaPay?
Nakalista sa ilalim ang mga bangko na maaaring iproseso sa InstaPay sa Coins.ph. Patuloy-patuloy naming i-uupdate itong listahan para magdagdag ng mga bangko na mapoproseso sa sistemang ito.
- Asia United Bank Corporation
- Banco de Oro (BDO)*
- Bangko Mabuhay (A Rural Bank), Inc.
- Bank of Commerce
- Card Bank, Inc.
- Cebuana Lhuillier Rural Bank, Inc.
- China Bank Savings, Inc.
- China Banking Corporation
- CTBC Bank (Philippines) Corporation
- Development Bank of the Philippines
- Dungganon Bank (A Microfinance Rural Bank), Inc.
- East West Banking Corporation
- EastWest Rural Bank
- Equicom Savings Bank, Inc.
- G-Xchange, Inc.
- Grabpay Philippines
- ING Bank N.V.
- ISLA Bank (A Thrift Bank), Inc.
- Land Bank of The Philippines
- Malayan Bank Savings and Mortgage Bank, Inc.
- Maybank Philippines, Inc.
- Metropolitan Bank and Trust Company
- Partner Rural Bank (Cotabato), Inc.
- PayMaya Philippines, Inc.
- Philippine Bank of Communications
- Philippine Business Bank, Inc., A Savings Bank
- Philippine National Bank
- Philippine Trust Company
- Philippine Veterans Bank
- Queenbank
- Quezon Capital Rural Bank, Inc
- Rizal Commercial Banking Corporation
- Robinsons Bank Corporation
- Rural Bank of Guinobatan
- Security Bank Corporation
- Starpay
- Sterling Bank of Asia, Inc., A Savings Bank
- Sun Savings Bank, Inc.
- Union Bank of the Philippines
- United Coconut Planters Bank
- Wealth Development Bank Corporation
- United Coconut Planters Bank
*Mayroong 20,000 Php daily limit
Ano ang processing time para sa mga cash out sa Instapay?
Mapoproseso agad-agad dapat ang mga cash out sa InstaPay.
Magkano ang mga fee para sa mga cash out sa Instapay?
Mayroong 15 Php fee para sa bawat successful na InstaPay cash out transaction.
Ang pinakamababang halaga na maaaring proseso ay 50 Php habang ang pinakamataas na halaga ay 50,000 Php. Para sa mga BDO cash outs naman, paalala na may 20,000 Php daily limit.
Paano kung nagkaproblema ang aking transaksyon?
Para sa anumang concern tungkol sa inyong transaksyon, maaari po kayong lumapit sa aming support team sa request form na ito. Ikagagalak po kayong tulungan ng aming team sa anumang concern ninyo.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.