Gaano katagal bago matanggap ang bayad?
Instant ang pagpasok ng pera sa inyong Coins.ph account.
Paano ko masisigurado na natanggap ko ang bayad?
Kung nag-sign up sa Coins.ph gamit ang mobile number, makakatanggap kayo ng SMS ukol sa perang natanggap. Kung email address naman ang ginamit, makakatanggap kayo ng email ukol sa transaksyon na ito.
Maaari ring sabihan ang customer na ipakita ang kanilang payment confirmation screen kung saan makikita ang halaga ng perang ibinayad sa inyo.
Saan mapupunta ang perang ibinayad?
Ang perang ipinadala ng inyong customer ay mapupunta sa inyong Coins.ph wallet.
Kung ang QR code na ibinigay ay para sa inyong Peso Wallet, ang bayad ay matatanggap rin sa inyong Peso Wallet. Kung ang binigay naman na QR code ay tumutukoy sa BTC Wallet, ang bayad ay kusang mag-coconvert sa BTC.
Saan pwedeng gamitin ang pera sa Coins.ph?
Maaaring gamitin ang pera sa Coins.ph para makabayad sa mga suppliers, empleyado o kaya i-cash out ito sa inyong bank account.
Bakit pangalan ko ang lumalabas kapag nagbayad ang mga customer gamit ang Scan & Pay at hindi ang pangalan ng aking negosyo?
Para mapalitan ang pangalan na ito sa inyong negosyo, kailangan magsumite ng impormasyon ukol sa inyong negosyo gamit ang Know Your Business (KYB) Process.
Kung naproseso na ang inyong business verification, maaari niyo nang palitan ang pangalan na lumalabas sa inyong payment page.