Ang Scan & Pay ay isang cashless payment system ng Coins.ph. Nagbibigay-daan ito upang makabayad agad ang isang customer gamit ang kanilang Coins.ph account sa inyong negosyo. Maaaring gamitin ang Scan & Pay sa retail shops, cafes, restaurants o kahit saan man na kakailanganing magbayad.
Madali lang itong gamitin - maaaring i-scan ng kung sino man na may Coins.ph wallet ang inyong QR Code gamit ang kanilang mobile phone. Instant na mapapadala ang pondo sa inyong Coins.ph account.
Para magamit ito sa inyong negosyo, kailangan niyo lamang gumawa ng Coins.ph account gamit ang inyong mobile number o email-address. Pag nakapagsign-up na ng account, i-print ang inyong QR code at ipakita ito sa inyong mga customer. Mabuting ilagay ito malapit sa cashier o register para makita at mapansin. Pagtapos nito, handa na kayong tumanggap ng bayad gamit ang inyong Coins.ph account!