Kung ang inyong negosyo ay naaprubahan ng Securities and Exchange Commission o SEC para lumahok sa mga pinansyal na aktibidad, at matagumpay ninyong nakumpleto ang business verification sa Coins.ph, maaari ninyong gamitin ang aming mga serbisyo para sa parehong pagpapahiram ng pera at pangongolekta:
Pagpapahiram ng pera:
- Sa pamamagitan ng bangko o mga padala center: maaaring magpadala ng pera sa bank account ng inyong customer o ipakuha sa kanila sa mga suportadong padala center. Ang aming network ay may 22,000 na lokasyon at ang pera ay maaaring makuha sa loob ng 10 minuto para sa LBC at M Lhuillier, at sa loob ng parehong araw kung bangko kung naiproseso ito bago ang aming cut-off time. Narito ang buong listahan ng cash out options ng Coins.ph.
- Mga account sa Coins.ph: ang agaran at libreng pagpadala ng pera sa Coins.ph wallet ng inyong customer. Ang aming mga wallet ay pinamamahalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP at AMLA rules and regulations, at pinapalaganap ang lahat ng aplikable na KYC verifications. Sa sandali na makuha ang pera sa kanilang mga Coins account, maaaring gamitin ito ng customer para makapagbayad ng bills, magpadala ng pera sa kapamilya’t kaibigan, at marami pang iba.
Ang API documentation ay maaaring mahanap dito.
Pangongolekta ng pera
Maaaring kolektahin ang pera kahit walang Coins.ph account ang inyong customer gamit ang iba’t ibang outlet na suportado ng Coins.ph tulad ng 7-Eleven, Cebuana Lhullier, etc. Maaari ninyong ipalabas ang Coins.ph bilang payment option sa inyong app o website, o kaya naman magpadala ng mensahe gamit ang mobile number o email address ng customer na naglalaman ng payment instruction kung paano sila makababayad. Pagtapos nilang iproseso ang kanilang payment, direkta itong mapupunta sa inyong Coins.ph business account.
Pumunta sa link na ito para sa karagdagang impormasyon.