Kung nais makatanggap ng payments mula sa inyong customers, mayroon kaming madaling solusyon para matanggap ang pera direkta sa inyong Coins.ph account.
API Integration:
Mayroon kaming APIs na maaari ninyong i-konekta sa inyong system. Halimbawa:
Makikita ng inyong customers ang opsyon na “Over-the-Counter powered by Coins.ph” bilang isa sa mga opsyon ninyo ng pagbayad. Kung pinindot ito ng inyong customer, mapupunta siya sa aming page kung saan makikita ang iba’t ibang payment options na sinusuportahan ng Coins.ph: Cebuana Lhuillier, Mlhuillier o Coins.ph wallet. Ang kagandahan nito ay makakabayad ang inyong customers kahit wala silang Coins.ph account.
Ang susunod na screen na makikita ng inyong customer ay batay sa opsyon na pinili nila.
Maaaring tingnan ang aming technical documentation sa mga link na ito:
- Para sa in app experience → http://docs.coins.asia/docs/accepting-payments-with-the-merchant-api.
- Maaari ring i-send ang payment instruction gamit ang SMA o email → http://docs.coins.asia/docs/request-payments-api-tutorial
- Nirerekumenda naming gamitin ang HMAC authentication → http://docs.coins.asia/docs/hmac
Sa sandaling business verified na ang inyong account, makikita na ang API keys sa inyong account settings.
Payment Requests:
Maaari ring magsend ng Payment Request sa email o mobile number ng inyong customers. Maaaring bayaran ang payment requests gamit ang Coins.ph account, o gamitin ang outlets na sinusuportahan ng Coins.ph: 7-Eleven, Mlhuillier o Cebuana Lhuillier. Ang payments nila ay mapupunta sa inyong Coins.ph Business Account.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Payment Requests, maaaring pumunta sa link na ito.
Scan & Pay:
Maaaring gamitin ang aming Scan & Pay para makabayad ang customers gamit ang inyong QR Code. Maaari itong gamitin sa retail stores, cafes, restaurants o kung saan man na nangangailangan ng bayad mula sa inyong customers.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Scan & Pay, maaaring pumunta sa link na ito.