Kung nagpaplano kayong kumolekta ng bayad mula sa inyong mga customer - sa pamamagitan ng subskripsyon o tuwi-tuwinang pagbayad, maaari naming idagdag ang inyong negosyo bilang isang Biller ng Coins.ph. Ito ang aming low-cost at easy-to-set-up na solusyon para dito.
Kailangang kumpletuhin ang business verification para sa inyong account. Pagkatapos, kinakailangan niyo lamang maibigay sa amin ang mga impormasyon na kailangang punan ng inyong mga customer.
Ang inyong negosyo ay makikita sa aming Bills Payments section (“Pay Bills”). Maaari niyo kaming bigyan ng mga validation fields at impormasyon na nais niyong ipakolekta sa amin mula sa inyong mga customer. Ang lahat ng koleksyon ay agarang masesettle sa inyong Coins.ph business account.
Maaaring i-download ang inyong kasaysayan ng mga transaksyon sa excel format, direkta mula sa inyong account. Maaari ring magrequest sa amin ng report para sa inyong reconciliation.
Magpadala lang kayo ng email sa business@coins.ph para makapagsimula!