Ang pinakamabisa na paraan para mapigilan ang pagkuha ng ibang tao ang inyong impormasyon ay sa pamamagitan ng pagiging maingat sa pag-browse ng internet. Ito ang iilan sa mga pwede ninyong gawin para madagdagan ng seguridad ang inyong Coins account:
1. Laging suriin ang URL link ng website na inyong bibisitahin.
Ang opisyal na website domains ng Coins.ph ay https://coins.ph/, https://app.coins.ph/, ay https://pro.coins.asia/. Ang mga hindi tunay na website ay kadalasang nakikita sa mga phishing email na nagpapanggap bilang lehitimong kompanya.
Huwag maglog-in sa mga websites na hindi nagpapakita ng official links sa itaas, kahit magka-itsura sa totoong page.
Laging siguraduhin din na ang nagpadala ng email ay help@coins.ph.
Para matuto pa ukol sa pagiging ligtas mula sa panganib na tulad nito, maaaring tumingin sa link na ito.
2. Huwag ibigay ang inyong mga detalye sa paglog-in sa kung kani-kanino
Ang pagbigay ng mga sensitibo at personal na impormasyon, tulad ng inyong password at verification code, sa kahit kanino, lalong lalo na sa paraan ng pagtawag o pag-email ay maaaring magsilbing modus ng mga kriminal upang ma-access ang inyong account.
3. I-enable ang two-factor authentication (2FA)
Ang Two-factor authentication o 2FA ay isang security protocol na nakapagbibigay ng karagdagang linya ng seguridad para sa inyong account. Pagkatapos ilagay ang password, hihingi ng isang randomly generated na code bago maaccess ang inyong Coins.ph account. Ang code na ito ay nagbabago kada ilang segundo, kaya humihirap itong hulaan habang tumatagal.
Para dito, kakailanganin niyo ang mga applikasyon tulad ng Authy o Google Authenticator. Ang inyong Coins.ph account ay maaaring gamitang ng 2FA.
Para matuto pa tungkol sa two-factor authentication at paano ito gamitin para sa inyong Coins account, maaring gamitin ang link na ito.
4. Gumamit ng matatag na password
Marami sa atin ay may iba’t ibang account sa sari-saring website, at mahirap masubaybayan ang bawat password ng bawat account. Madalas, ang ginagawa ng may ari ng account ay gumamit ng parehong password para sa lahat ng accounts, upang mapadali ang buhay. Ngunit, ang unang hakbang para mapanatiling ligtas ang inyong account ay sa paggamit ng matatag na password.
Ito ang ilan sa mga subok na gabay para makagawa ng matatag na password:
- Mahaba, ngunit madaling maalala – Mataas ang seguridad ng password na mahaba. Gawing personal na layunin ang magkaroon ng at least 20 characters sa inyong password.
- Gumamit ng iba’t ibang letra, numero, at simbolo - Ugaliing gumamit ng malalaki at maliliit na letra kasama ang iba’t ibang numero at simbolo para maging mas malakas ang iyong password.
- Huwag magkaroon ng iisang pattern – Laging ibahin ang pagkakasunod-sunod at mismong nilalaman ng inyong mga password. Dahil dito, magiging mas mahirap ang pag-access ng inyong account para sa mga taong gustong kunin ang inyong impormasyon.
Gusto niyo bang makita kung gaano kalakas ang inyong password? Bisitahin ang Random-Ize para malaman ito.
Gumamit ng Password Manager
Kung ayaw ninyong alalahanin ang inyong mga password, pwedeng gumamit ng isang password manager. Ang halimbawa ng isang password manager ay LastPass. Ito ay isang makapangyarihan at ligtas na password manager. Maaaring maglagay ng mga password dito at magpagawa ng mga password.
Hindi lang ito isang magandang password manager, ngunit madali ring matutunan. Mangyaring i-download lang ito sa inyong browser, gumawa ng account, at magsimulang gamitin ito.
Isang madaling paraan na masigurado na matatag ang inyong password ay gumamit ng password generator and management service katulad ng Lastpass at 1Password.
5. Huwag ilagay ang lahat ng inyong Digital Currency sa iisang address
Maaaring magkaroon ng iisang set ng wallet addresses para sa isang wallet-providing platform. Ngunit, walang limitasyon para sa bilang ng wallet-providing platforms na pwedeng gamitin ng isang tao. Mabuting ihiwa-hiwalay ang inyong Digital Currency sa mga maliliit na halaga sa iba’t ibang wallet provider. Sa pamamagitan nito, mapapakonti ang magiging kawalan kung sakaling ma-access ng ibang tao ang isa ninyong account.
Mabuting makasanayan na gumawa ng bagong wallet address tuwing humihiling mula sa ibang tao ng Bitcoin, pagkatapos ay ilipat ang natanggap na halaga sa isa pang address na hindi alam ng taong nagpadala ng halaga sa iyo.
Maaaring magsimula sa tatlong address:
- Isang pampublikong address na binibigay sa iba’t ibang tao para makatanggap ng cryptocurrency
- Isa pang pampublikong wallet address para sa pagpapadala ng cryptocurrency
- one "secret" address for keeping your savings--create new savings wallets as the amount of Bitcoin you own increases
- Isang address na ikaw lang ang nakakaalam para magtabi ng naipong halaga.
Para sa karagdagang gabay para makagawa ng ligtas na transfer, maaaring magsadya sa CoinDesk article on security tips for beginners.
6. Umiwas sa pag-install ng mga software at browser plugins na hindi katiwa-tiwala
Laging siguraduhin na mag-install at panatilihing updated ang inyong anti-virus software sa inyong mga devices. Mangyaring madalas ipatakbo ang mga aplikasyon na ito sa inyong mga devices.
Kung may katanungan pa po kayo, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa help@coins.ph.