Maaari ng mag-cash in instantly sa Bayad Center!
Sundin lamang ang sumusunod:
- Buksan ang Coins.ph wallet, at pumunta sa Cash In tab.
- Gumawa ng cash in order sa pamamagitan ng pagpunta sa Remittance Center option at piliin ang Bayad Center. Maaaring icheck ang kumpletong listahan ng Bayad Center cash in outlets dito:
- Iinput ang amount na nais i-cash in.
Pakitandaan lamang na ang minimum amount para sa option na ito ay PHP 50. Ito ang fees sa mga Cash ins via Bayad Center:
- PHP 50-100 – FREE
- PHP 101-50,000 - 2%
- Pumunta sa pinakamalapit na Bayad Center outlet at mag-fill out ng Transaction Form gamit ang provided details na nasa cash in order:
Mag-fill up ng transaction form (available at the counter) at i-provide ang necessary details:
- Sa "Account Name," isulat ang inyong buong pangalan (unahin ang apelyido). Kinakailangan din na iprovide ang inyong address at contact number.
- I-check ang "Bills Payment" checkbox.
- Sa"Biller," isulat ang “Coins.ph”
- Sa"Amount Due," isulat ang amount na provided sa Cash In order sa Coins.ph
- Sa "Account Number," isulat ang 12-digit account number na provided ng Coins.ph
Maaari lamang na itago ang inyong resibo para sa inyong reference.
Ang inyong funds ay instantly maccredit sa inyong Coins.ph Peso wallet! Kung kailangan nila ng karagdagang tulong, maaaring magpadala ng mensahe sa help@coins.ph.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.