Kapag nagbago ang payout amount ng inyong cash order, huwag mag-alala. May mga ilang posibleng rason kung bakit nangyari ito:
- Deposit sa provincial account ang inyong bank cash out order. Iba-iba ang mga fees ng mga bangko para sa mga deposit sa provincial accounts.
- Hindi nakumpirma ang bitcoin transfer para sa inyong cash out order sa loob ng 1 oras. Naka-lock lamang ang bitcoin sell rate sa loob ng 1 oras. Kapag hindi kumpirmado ang inyong transfer sa loob ng 1 oras, babago ang halaga ng inyong cash out ayon sa kasalukuyang sell rate.
Tandaan: Para sa remittance cash outs, ang makukuha niyong halaga ay ang nabayarang halaga (bawas ang mga fees).
Kung may tanong kayo tungkol dito, maaari kayo makipag-ugnayan sa amin sa help@coins.ph para matulungan kayo ng aming team.