Mababayaran ang mga payment request gamit ang inyong Coins.ph account o ang mga outlet na ito: 7-Eleven, M Lhuiller, at Cebuana Lhuiller.
Ano ang payment request?
Ang payment request ay isang paraan na maaring gamitin ng mga Coins.ph users upang mangolekta ng pera.
Ipapadala ng sender ang payment request sa email or mobile ng taong gusto niyang hingan ng payment, at mababayaran ito ng pinadalhan, sa pamamagitan ng sarili niyang Coins account, 7-Eleven, M Lhuillier o Cebuana.
Kinakailangan ba ng Coins account upang mabayaran ang payment request?
Hindi kinakailangan ng Coins account upang mabayaran ang payment request. Bagaman maaaring gamitin ang Coins account upang mabayaran ang payment request, maaari rin itong bayaran sa 7-Eleven, M Lhuillier o Cebuana.
Paano bayaran ang payment request
Narito ang isang halimbawa ng payment request na ipinadala sa e-mail:
Siguraduhin na mapagkakatiwalaan ang taong nangongolekta ng payment. Suriin din kung tama ang amount na kinokolekta. Tandaan na hindi cancellable ang mga payment request.
Kapag pinindot "Pay" na button, madadala kayo sa pahinang katulad sa baba:
Siguraduhing ang URL ay: "https://coins.ph/":
Dapat ay makikita ang buong pangalan, buong email address at profile photo sa Facebook.
Ang amount at detalye ng request ay makikita rin sa ilalim ng pangalan.
Mayroong apat na pagpipilian na outlet upang mabayaran ang payment request:
- Coins.ph account
- 7-Eleven
- Cebuana
- M Lhuiller
Paano magbayad sa 7-Eleven
Nasa ibaba ang inyong makikita kapag pinili ang 7-Eleven:
Makikita ang katangi-tanging reference number at barcode para sa payment request.
Magpunta sa kahit anong 7-Eleven branch sa Pilipinas upang mabayaran. Ipakita lamang ang reference number o barcode.
Tandaan din na mayroong fee ang pagbayad sa 7-Eleven:
Maaring magrefer dito para sa buong impormasyon ukol sa cash in fees: https://support.coins.ph/hc/fil/articles/201667754-Ano-ang-mga-ibinabayad-na-fees-sa-cash-in-orders-
Paano magbayad sa Cebuana?
Nasa ibaba ang inyong makikita kapag pinili ang Cebuana:
Makikita ang katangi-tanging reference number para sa payment request.
Magpunta sa kahit anong Cebuana branch sa Pilipinas upang mabayaran. Cash lamang ang tinatanggap para rito.
Tandaan din na mayroong fee ang pagbayad sa Cebuana.
Maaring magrefer dito para sa buong impormasyon ukol sa cash in fees: https://support.coins.ph/hc/fil/articles/201667754-Ano-ang-mga-ibinabayad-na-fees-sa-cash-in-orders-
Paano magbayad sa M Lhuillier?
Nasa ibaba ang inyong makikita kapag pinili ang M Lhuillier:
Makikita ang katangi-tanging reference number para sa payment request.
Magpunta sa kahit anong M Lhuillier branch sa Pilipinas upang mabayaran. Isulat ang reference number sa Send Money slip upang mabayaran ang payment request.
Tandaan din na mayroong fee ang pagbayad sa M Lhuillier.
Maaring magrefer dito para sa buong impormasyon ukol sa cash in fees: https://support.coins.ph/hc/fil/articles/201667754-Ano-ang-mga-ibinabayad-na-fees-sa-cash-in-orders-
Paano magbayad gamit ang sariling Coins.ph wallet?
Maglog-in lamang sa inyong Coins account upang mabayaran ang payment request.
Ano ang mangyayari pagkatapos bayaran?
Kapag nabayaran niya ito, automatic na matatanggap sa inyong Coins wallet ang bayad. Makakataggap din ng mensahe ang nagbayad at nakatanggap ng bayad na successful ang transaksyon.