Ang Coins.ph payment request ay nagbibigay-daan upang mapadali ang pangongolekta ng pera patungo sa inyong account!
Ang kailangan lamang gawin ay ilagay ang mobile number o email address ng taong magbabayad sa inyo, at maikling deskripsyon kung para saan ang bayad, kasama na ang kabuoan ng halaga na kailangang bayaran.
Maaari nang makapagrequest ng payment kung mayroon kayong alinman dito:
- Valid phone number ng taong magbabayad, o
- Ang kanyang email address, o
- Ang kanyang Facebook name kung ang Coins.ph account ay nakalink sa kanyang Facebook.
Ang taong hiningan ng bayad ay makatatanggap ng email mula sa Coins.ph na nagsasabing mayroon silang natanggap na payment request. Maaari sila pumili mula sa apat na opsyon kung paano nila mababayaran ang request:
- Magbayad ng cash sa alinmang 7-Eleven branch sa Pilipinas
- Magbayad ng cash sa alinmang M Lhuiller branch sa Pilipinas
- Magbayad ng cash sa alinmang Cebuana Lhuillier branch sa Pilipinas
- Magbayad gamit ang Coins.ph Peso wallet
Maaaring magkaroon ng karagdagang fees ang inyong babayaran kung gagamitin ang opsyon na 7-Eleven, M Lhuillier, at Cebuana Lhuillier. Ang fees na ito ay kapareho lamang sa fees ng cash in.
Sa sandaling makumpleto ang payment, ang pera ay agarang mapupunta sa inyong Coins.ph Peso Wallet.
Para sa karagdagang katanungan, maaaring magpasa ng mensahe sa help@coins.ph para matulungan namin kayo.