Alinsunod sa BSP Circular 1108 (Virtual Asset Service Providers), ang mga Coins.ph customers na may balak gumagamit ng cryptocurrencies ay dapat Level 2 (ID and Selfie) Verified o higit pa. Para sa benepisyo ng aming mga verified customers, ibinalangkas namin sa ibaba ang ilang mga patnubay ukol sa pagresolba ng mga concerns o complaints na may kinalaman sa mga virtual assets.
1. Mga concerns na may kinalaman sa pagbili, pagbenta at pag-convert ng mga virtual assets
- Sa Coins.ph platform, nakakapagbili at nakakapagbenta ang mga customers ng mga virtual assets. Dahil pabagu-bago ang mga presyo ng virtual assets, maaaring iba ang mga rates o Peso value sa inaasahan ng customer. Upang turuan ang mga customer sa mga panganib na kasangkot sa mga virtual assets, ang Coins.ph Help Center ay may ekstensibong seksyon tungkol sa mga pangunahing kaalaman sa cryptocurrency at ang mga conversion rates na ginagamit sa Coins.ph.
2. Mga concerns na may kinalaman sa pagpadala at pagtanggap ng mga virtual assets
- Nakadepende ang processing time para sa pagpapadala o pagtatanggap ng mga virtual assets sa mismong VA na ginagamit ng mga customers sa mga transaksyon.
- Ang lahat ng mga incoming transfers sa mga Coins.ph accounts ay pumapasok sa mga wallet addresses ng mga customers kung mayroon itong valid transaction hash at kung mayroon nang sapat na bilang ng mga kumpirmasyon. Makikita rito ang listahan ng mga kinakailangang kumpirmasyon para sa bawat virtual asset.
- Para sa mga outgoing transfers, ipino-post ng Coins.ph ang mga transaksyon sa network sa napapanahong paraan. Gayunman, mahalagang alalahanin na ang pagproseso ng mga ganitong transfer ay nakadepende sa aktibidad sa blockchain at kung gaano kabilis makapagproseso ang mga miners ng mga posted transfers.
- Para sa mga concerns ukol sa mga tiyak na virtual assets, maaaring tingnan ng aming mga ang FAQ section na may kinalaman sa virtual asset transfer nila.
3. Mga maling virtual asset transfers
- Ang lahat ng mga virtual virtual asset transactions ay itinuturing na pangwakas at di-mababawi. Dahil dito, palaging ipinapaalala sa mga customers na mag-ingat sa paggawa ng mga transaksyon.
- Bilang karagdagan, mangyaring tandaan na hindi sinusuportahan ng aming platform ang mga cross-chain deposits. Kabilang dito ang:
- Pagpapadala ng mga virtual assets sa mga ibang wallets (hal. pagpapadala ng Bitcoin Cash sa inyong Bitcoin address)
- Pagpapadala ng ERC20 tokens
- Paggamit ng mga private networks (hal. BNB Chain, Polygon Network, atbp.).
Alamin ang mga Patakaran ng Coins.ph sa Cross-chain, ICO, at ERC20 dito.
- Sa gayon, sumusunod ang Coins.ph sa panghuli at di-mababawing katangian ng mga digital currency transactions. Kung magpapadala ang isang customer ng pera sa maling Coins.ph address o destination tag, inirerekomenda naming mag-reach out sa amin dito o sa pamamagitan ng aming our in-app Help Center agad-agad at tutulungan kayo ng Coins.ph team sa pagbawi sa ilalim ng best-effort basis.
4. Mga fraud reports at virtual assets
- Mayroong Coins.ph team na nakalaan sa paghahawak ng mga sensitibong customer complaints na may kinalaman sa panlilinlang o fraud.
- Mahalagang mag-ulat ng mga ganitong complaints sa mga Coins.ph customer support channels sa lalong madaling panahon para makatulong kami agad. Kapag natanggap na namin ang complaint, gagawin ang mga kinakailangang kilos upang matiyak ang seguridad ng account ng customer. Magbibigay ang Coins.ph team ng mga regular updates na may kinalaman sa iniulat na fraud.
5. Mga system downtimes, bugs o errors na may kinalaman sa mga virtual assets
- Ang mga nakaiskedyul at di-nakaiskedyul na downtimes na nakakaapekto sa anumang virtual asset service ng Coins.ph ay nakapaskil sa Coins.ph status page.
- Bilang karagdagan, ang Coins.ph support team ay maglalabas ng mga opisyal na advisories o notifications sa mga customers kung mayroon silang transaksyon na hindi naiproseso sa nakalagay na SLA.
6. Mga feature requests
- Ang Coins.ph team ay nagco-collate ng lahat ng mga suhestyon mula sa mga customers sa pamamagitan ng online form na makikita rito.
Kung mayroon kayong mga ibang concerns na hindi natugunan sa itaas, mangyaring magmensahe sa aming customer solutions team sa pamamagitan ng link na ito. Maaasahan ng lahat ng mga customers na makatatanggap sila ng tugon mula sa aming team sa loob ng 24 oras.