Resulta ng mga blockchain lags ang mga delays sa pagkumpira ng mga transfers. Dahil dito, nangangailangan ng oras para magpakita ang mga deposit/withdrawal sa Coins.ph transaction history. Maaari ninyong tingnan ang bilang ng blockchain confirmations sa pamamagitan ng transaction hash/TXID.
Para makita ang status ng kanilang deposit/withdrawal, maaaring kopyahin ang transaction hash/TXID at pumunta sa isang blockchain explorer at i-paste ang transaction hash sa search bar. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng blockchain explorers:
Network | Mga Blockchain Explorer | Kinakailangang Kumpirmasyon |
Bitcoin | 3 | |
Ethereum | 12 | |
Ripple | 1 | |
TRON | 19 | |
BNB Smart Chain | 15 | |
Polygon | 800 | |
Arbitrum One | 12 | |
Ronin | 20 | |
Bitcoin Cash | 1 | |
Litecoin | 10 |
Bukod pa rito, ipinapakita sa table sa itaas na ang bawat blockchain network ay may kinakailangang bilang ng kumpirmasyon para makitang matagumpay ang deposito sa kanilang account. Halimbawa, ang BTC deposit ay kailangan ng 3 confirmations.
Narito ang paraan kung paano niyo mahahanap ang transaction hash mula sa inyong Coins.ph account:
Sa pamamagitan ng app
1. Pindutin and chart icon sa app at piliin ang currency ng transakyson na nais niyong i-search sa explorer.
2. Pindutin ang external transfer na nais niyong malaman ang status.
3. Ang inyong transaction hash ay mahabang linya ng mga numero at letra na nakalagay sa Reference No. ng transaksyon. Pindutin ng matagal ang transaction hash upang makopya ito.
4. Bisitahin ang website ng blockchain explorer na tutugma sa currency ng inyong transfer. I-paste ang transaction hash sa search bar at pindutin ang enter. Sa halimbawa sa ibaba, gumamit kami ng XRPSCAN upang i-search ang ating transaksyon. Ang mga detalye ng transfer kasama ang bilang ng kumpirmasyon ay makikita rito.
Bihira ang mga blockchain lags, pero kung napansin po ninyo na hindi pa pumapasok ang transfer sa inyong wallet balance pagkatapos ng isang oras, mag-iwan po lamang ng email sa help@coins.ph gamit ang inyong registered email address para masuri namin ito para sa inyo at siguraduhin na lahat ay naisaayos.
Kung mayroon pang ibang katanungan o concern, maaaring magpadala rin sa amin ng mensahe mula sa Coins.ph app. Para malaman kung paano makakapagpadala ng in-app na mensahe, mangyaring bisitahin ang link na ito.