Magandang paraan ang Bitcoin para tumanggap ng bayad mula sa ibang tao (hal. mga kliente at customers abroad) dahil makakapagbayad at makakapag-cash out sa Pesos agad-agad na hindi kailangang dumaan sa mga kumplikadong proseso ng pag-sign up o magbayad ng napakalaking fees.
Narito ang gagawin:
1. Ibigay ang inyong wallet address
Nang ibigay ninyo ang wallet address sa taong magpapadala sa inyo ng Bitcoin, makakapaggawa siya ng wallet-to-wallet bitcoin transfer nang direkta sa kanyang wallet, papunta sa inyong wallet.
Wala pa kayong wallet?
Madali lang! Lahat ng Coins.ph account ay may kaakibat na BTC wallet. Kailangan lamang kumpletuhin ang sign up at ID and Selfie verification processes.
Not sure where to find your wallet address?
Sa inyong Portfolio tab, piliin ang Bitcoin wallet. Iclick ang Transfer icon para makita ang inyong bitcoin wallet address.
2) Tanggapin ang inyong Bitcoin
Para makumpirma na natanggap na ninyo ang Bitcoin, pumunta lamang sa inyong transaction history ng inyong account! Ito ay nasa main wallet screen sa web. Sa Android at iOs, maaari ninyong hanapin ang transaction history kapag tinap ninyo ang History icon sa main screen.
3) Gamitin ang inyong Bitcoin!
Pagkatanggap ninyo ng Bitcoin payment, maaari na ninyong gawin ang mga sumusunod:
- Gawing PHP ang inyong Bitcoin kapag gumawa ng cash out
- Magpadala ng Bitcoin sa ibang tao
- Gamitin ang inyong Bitcoin para bumili ng load, magbayad ng bills, or bumili ng game credits - lahat sa Coins.ph!