Ang cryptocurrency ay isang virtual asset na maaaring gamitin bilang pambili ng mga kalakal at serbisyo. Sine-secure ito ng kriptograpiya, kaya halos imposible itong ipeke o i-hack.
Maraming cryptocurrencies ay gumagamit ng teknolohiya na tinatawag na blockchain, na isang desentralisadong network batay sa mga distributed ledger na nabubuo ng mga iba't ibang kompyuter.
Dahil ang mga ito ay kadalasang naka-encrypt (impormasyon na isinalin sa code) at desentralisado (walang awtoridad na namamahala sa proseso), ayon sa teorya, karamihan ng mga blockchain ay immune sa manipulasyon at pagkagambala. Maaaring tingnan ang artikulong ito para sa karagdagang impormasyon: Blockchain Explained: What is Blockchain?
Sa Coins.ph, maaaring bumili, magbenta, at magtabi ng mga cryptocurrency. Para sa listahan ng mga sinusuportang cryptocurrencies, maaaring tumungo sa artikulong ito: Anu-ano ang mga cryptocurrencies sa Coins.ph?
Maaari ring tingnan ang aming blog para sa higit pang impormasyon ukol sa mga cryptocurrencies.
Babala: Ang mga cryptocurrencies ay napaka-volatile, at mataas ang antas ng panganib nito. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga panganib na ito, pakitingnan ang artikulong ito.