Upang makakuha ng Bitcoin, kinakailangang mayroon silang Coins.ph account at may laman ang inyong Coins.ph PHP wallet. Narito ang mga hakbang kung papaano makakakuha ng Bitcoin sa inyong Coins.ph account:
1. Mag-sign up para gumawa ng account.
Kailangan lamang magbigay ng valid email address o mobile number, at isang MPIN/ password para sa inyong account.
2. Pumili ng outlet para mag-cash in
Inirerekomenda namin na mag-cash in via InstaPay para matanggap ninyo agad ang pera pagkabayad nito. [BASAHIN: Saan ako makakapag-cash in?]
Paalala: Ang InstaPay at PESONet cash-in feature ay kinakailangang Phone, ID, at Selfie Verified ang inyong Coins.ph account bago makagamit o makatanggap gamit ang mga outlets na ito.
3. Magtungo sa pagbayad ng napiling outlet upang kumpletuhin ang transaksyon.
Mayroong mga tiyak na panuto (instructions) ang kanilang napiling outlet.
4. Mag-convert ng Pesos patungo sa Bitcoin
Kapag nasa inyong wallet na ang pera, i-click ang Buy/Sell na mahahanap para i-convert ang Peso patungo sa Bitcoin.
Ganun lamang kadali! Awtomatikong maco-convert ang inyong pera at lalabas ang bagong balanse sa inyong Bitcoin (BTC) wallet.