Ang isang Bitcoin wallet ay ang ginagamit mo para makatanggap, makapagpadala, at makapag-imbak ng inyong Bitcoin.
Ang paggawa ng Bitcoin wallet ay madali at sandali lamang gawin. Ang kailangan mo lang ay isang email address o mobile number, at MPIN/ password. Makakapagpadala at makakatanggap ka ng mga bayad kaagad.
Wallet address
Maaari mong isipin na ang inyong wallet ay parang inyong bank account.
Gaya ng isang bank account na merong naka-assign na natatanging account number, ang inyong Bitcoin wallet ay meron ring naka-assign na natatanging wallet address. Ang address na ito ay binubuo ng hanggang 34 random digits (binubuo ng mga numero at letra, parehong uppercase at lowercase).
Ito ang isang halimbawa ng isang Bitcoin address: 13BE7m4GnGAbdxfzrTgaV9wYmHkGbrarAP
Importante rin alalahanin na ang mga wallet addresses ay case-sensitive. Ibig-sabihin kapag binago kahit ang isang letra mula uppercase papuntang lowercase (hal. pagbago ng "G" sa "g") ay magiging ibang address na ito.
Coins.ph wallet
Lahat ng Coins.ph accounts ay merong sariling Bitcoin wallet kung saan pwede kayong makatanggap, makapagpadala, at makapag-imbak ng Bitcoin gaya ng ibang mga wallet.
Wallet providers
Maaari kayong gumamit ng mga wallet mula sa kahit anong Bitcoin wallet provider na gusto niyo. Maaari rin kayong magbukas ng account sa mga Bitcoin wallet provider na ito ng kahit gaano pa kadaming accounts na gusto niyo.
Merong apat na uri ng wallets: desktop wallets, browser-based wallets, mobile wallets, at hardware wallets. Ang pagkakaiba nila ay base sa paraan kung paano iniimbak ang pera (hal. maaaring sa inyong laptop, sa third party website, sa mobile device, o sa isang specialized offline device), na meron ring sarili nilang pros at cons.