Bilang licensed at regulated ng BSP bilang isang Virtual Asset Service Provider (VASP), ang Coins.ph ay subject sa rules and regulations na nilalahad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Anti-Money Laundering Act (AMLA).
Habang ang mga Virtual Asset (VA) systems at ang teknolohiya ng digital ledger na nagpapatakbo sa mga ganitong virtual assets ay nagpapakita ng potensyal sa pasilitasyon ng mga lehitimong serbisyong pampinansyal, ang VASPs gaya ng Coins.ph ay inaanyayahan na maiging konsiderahin ang mga kaakibat na panganib sa mga ganap tulad ng pagpapadala at pagbayad ng VAs. Kaugnay nito, ang mga nasabing panganib ay kailangang idisclose sa lahat ng Coins.ph customer upang makagawa sila ng informed decision kapag bumibili o nagtetrade ng VAs.
Narito ang listahan ng mga panganib kapag ginagamit ang mga virtual assets (Dagdag ukol dito sa sumusunod na article):
1. Mabilis na nagbabago ang mga presyo
Ang halaga ng isang virtual asset ay apektadong apektado sa supply at demand. Sa ibang salita, tumataas ang halaga nito habang dumadami ang mga taong gustong makakuha ng VA na iyon, at bumababa naman kapag may mga hindi magandang pangyayari o negatibong balita ukol sa mga VAs. Dahil sa mga spekulasyon sa merkado ng VA, ang mga presyo ay hindi matatag at pabagu-bago. Ang mga users na nagte-trade, nag-iinvest, at/o tumatanggap ng VAs ay nagdadala ng panganib na malugi. Walang legal na proteksyon para sa mga VA users sa mga kasong iyon.
Ang Coins.ph ay naglatag ng features upang masiguro na ang customers ay properly informed sa mga VA prices bago gumawa ng anumang purchase o trade. Sa Coins.ph, palaging may confirmation screen na naglalatag ng kasalukuyang buy o sell rate bago magawa ang isang conversion. Dagdag pa rito, maaari ring subaybayan ang paggalaw ng presyo sa Crypto Prices section, at sa aming widgets feature o sa pag-enable ng price alerts na magnonotify sa customers kung may malaking paggalaw sa isang token.
2. Potensyal para sa paggamit na labag sa batas
Dahil sa anonimidad (kawalan ng pagkakakilanlan) ng mga VA transactions - ang mga fraudsters, scammers, at mga taong naglalayon na gumawa ng mga illegal na aktibidad (gaya ng money laundering at terrorist financing) ay naeengganyo sa teknolohiyang ito para sa kanilang pansariling interes. Mahalaga na makipagtransact lamang sa lehitimong Virtual Asset Service Providers na registered at regulated ng government authorities, na ang praktika ay nakaayon sa pagsafeguard ng pondo ng kanilang customers at nagsisiguro na ang kanilang produkto ay ginawa at dinisenyo na sinasaisip ang best interest ng kanilang customers.
Ang customers ay dapat maglaan ng extreme care sa pagsasagawa ng kanilang VA transactions dahil lahat ng transactions ay deemed na final at irreversible. Mag-ingat sa mga oportunidad na pamumuhunan na nag-aalok ng mabilisang balik/ reward at siguraduhin na ang mga entidad na hinaharap niyo ay mga negosyong nakarehistro nang maayos. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pagtitiyak sa kaligtasan ng inyong pera, maaaring basahin ang aming section sa Kaligtasan at Seguridad.
3. May posibilidad na manakaw o mawala
Dahil ang virtual assets ay available online, ito ay hindi makalalayo sa posibilidad ng hacking o pagnanakaw, virus infection, at mga iba pang cyber threats. Maaari ring mawala ang mga private keys ng users na ginagamit para i-secure ang VA wallet, o maaaring mapunta ang kanilang login credentials sa kamay ng mga malisyosong tao. Inaanyayahan ang mga VA holders na gumamit ng panatag na security practices at iba pang safety measures upang maprotektahan ang kani-kanilang accounts.
Kahit na ang mga serbisyo ng Coins.ph ay nag-ooperate gamit industry-standard measures gaya ng SSL connections at AES-225 Encryption, ang mga account holders ay may responsibilidad na siguraduhin na sila lamang ang nakakagamit ng kanilang account (walang ibang may access dito), ienable ang two-factor authentication (2FA) o siguraduhin ang mga one-time password (OTPs) ay hindi maaaccess ng iba. Maaaring tingnan ang artikulong ito para sa pag-iingat ng kanilang Coins.ph wallet.
4. Ang VA transactions ay immediate at irreversible
Sa mga kaso gaya ng fraudulent, unauthorized o maling mga transaksyon, maaaring mahirapan ang mga VA holder sa pagre-reverse o pagbabawi ng mga transaksyong ito. Ang mga VA holders ay hindi makakapagsampa ng reklamo o humingi ng pagdulog dahil walang pangunahing awtoridad o issuer na naggagarantiya ng mga VAs. Dahil dito, dapat pag-ingatan ang pagkumpleto ng kanilang transactions. Siguraduhin na lahat ng mga detalye (hal. wallet address, destination tag, halaga) ay tama bago ikumpirma ang transaksyon. Panghuli, ang mga customers ay dapat siguraduhin ang pagkakakilanlan ng kanilang recipient, at maglatag ng due diligence na sila ay di mabibiktima ng pagkukunwari.
5. Ang mga VA holdings ay hindi insured
Sa Pilipinas, ang mga VAs ay hindi itinuturing bilang mga deposito at hindi insured sa ilalim ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).
Bilang isang rehistradong VASP, ang Coins.ph ay sumusunod sa lahat ng mga regulasyon ng BSP na kinakailangan para sa seguridad ng pera ng mga customers.
Kung gusto niyong matuto nang higit pa tungkol sa mga virtual currencies, makatutulong ang mga sumusunod na resources:
- Abiso ng BSP sa Virtual Currencies (2017)
- BSP Frequently Asked Questions (FAQs) sa Virtual Currencies
Maaaring lumapit sa amin gamit ang inyong Coins.ph app o ating Coins Support Form kung kailangan ng karagdagang assistance.