Humihingi ang aming website ng tahasang pahintulot mula sa inyo upang makatanggap ng data mula sa kamera ng inyong device. Makikita ito sa pop-up message ng inyong browser.
Kung nakatanggap kayo ng error habang sinusubukang magpasa ng inyong Selfie verification, mangyaring bigyan ng kinakailangang pahintulot sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na nasa ibaba, pagkatapos ay subukan muli ang pagkuha ng isang selfie.
Paano magbigay ng access sa camera sa Mozilla Firefox:
Sa inyong web browser, i-unblock ang camera access. Para magawa ito, i-click ang berdeng simbolo ng lock o kandado na makikita sa kaliwang bahagi ng URL field (sa tabi ng "https://"). I-click ang arrow, tapos i-click ang More Information:
Lalabas ang maliit na bagong window kung saan makikita ang impormasyon ng pahina. Para makita ang Camera settings, i-click ang Permissions at i-scroll pababa sa Use the camera.
Always Ask ang default na setting ng camera. Siguraduhing naka-check ang Use Default.
Tapos, i-restart ang browser.
Kapag bumalik na kayo sa Selfie verification, makikita ninyo ang simbolo ng camera sa kaliwa ng berdeng simbolo ng lock o kandado, katabi ng back button.
I-click ang camera symbol para lumabas ang camera permission pop-up. Siguraduhing tama ang camera na naka-select (sa iMac at MacBook, ang inyong built-in camera ay "FaceTime HD Camera"), tapos i-click ang “Always Share”.
Ngayon, awtorisado na ang Coins.ph na gamitin ang inyong camera at makakapagpasa na kayo ng Selfie!
Paano magbigay ng access sa camera sa Mozilla Firefox mobile browser:
1. Sa inyong Limits & Verification page, i-click ang “Verify” sa tabi ng Selfie Verification. Tapos, piliin ang Take Photo or Video.
2. Kapag lumabas ang pop-up na ito, i-click ang “OK” (o “Allow” kung Android device ang gamit) sa inyong Firefox browser para bigyan ng access ang inyong camera.
Mawawala ang pop-up at makakapagkuha na kayo ng inyong selfie!
Paano tanggalan ng access ang Mozilla Firefox:
Kung nais ninyong tanggalan ng access ang Mozilla Firefox sa inyong camera, i-click lang muli ang simbolo ng camera at piliin ang “Stop Sharing”.
Kung may katanungan, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa help@coins.ph para ma-check ito agad ng aming team.