Mula sa inyong Coins.ph app, piliin ang inyong ETH wallet at pindutin ang 'Receive' button. Ipapakita sa inyo ang QR Code at ang ETH wallet address na naka-assign sa inyong account. Maaari nilang i-copy at paste ang wallet address na ito o di kaya'y i-scan ang QR Code mula sa inyong sending platform.
Ang inyong Coins.ph Ethereum wallet address ay isang smart contract wallet at sinusuportahan lamang ang pagpapadala ng pondo gamit ang ibang smart contract wallet din.
Pinaaalalahanan namin silang suriin ng maigi ang detalye ng inyong transaksyon at i-check ang mga sumusunod na disclaimer bago magpadala ng ETH sa inyong Coins.ph wallet. Ang mga ipapadalang unsupported tokens (hal. BAT, atbp.) o ETH na ipinadala gamit ang ibang network (hal. BNB Chain, Polygon Network atbp.) ay may posibilidad na mawala at hindi ito marerecover ng team.
Bukod dito, siguraduhing ipadala ang ETH sa ETH Network (makikita ito dapat sa Etherscan.io). Ang mga transaksyon na ipapadala gamit ang internal network ng inyong sending platform ay hindi nakikita't nababasa ng aming system kung kaya't hindi na ito mababawi pang muli.
Siguraduhing i-set ang inyong gas limit ng hindi bababa sa 70,000 upang matanggap ang inyong ETH.