Ang pagbawi sa cross-chain deposit at unsupported tokens ay may high-risk at matagal na proseso. Hindi lahat ng naipadalang token ay mababawi. Nakaiimpluwensiya ang uri ng currency at ang address ng nakatanggap ng maling deposito sa pagkahirap, tagal, at seguridad na nakasalalay dito. Nasa aming diskresyon kung gaano katagal ang pag-recover sa nasabing pondo.
Dahil delikado ang mga operasyon sa pagbawi ng tokens, susubukan lamang ng Coins.ph na magbawi ng mga cross-chain deposits na higit sa katumbas na halagang PHP 5000 sa oras ng deposito at magkakaroon ng recovery fee na katumbas ang gas prices sa oras na maging matagumpay ang pagbawi nito (gagamiting pambayad sa blockchain fees).
Hindi po namin magagarantiya ang matagumpay na pagbawi at maaari lang kaming magtangka ng pagbawi ng cross-chain para sa mga sumusunod na cross-chain scenario:
- Iilang uri ng ERC20 token na ipinadala sa mga ETH addresses
Paalala: Hindi mababawi ang mga tokens na ipinadala gamit ang mga unsupported networks (hal. BNB Chain, Polygon Network, atbp.).
Para sa karagdagang tulong tungkol dito, mangyaring magpadala ng mensahe sa app. Asahan na tutugunan ito ng aming team sa loob ng 24 oras.