Ang custom transaction limit ay kung saan magagamit ninyo ang inyong Coins.ph account para sa transaksyon at account level na mas mataas pa kasya sa standard na account level. Kung kayo ay maaprubahan sa Custom Limits, makakatanggap kayo ng mas mataas na daily, monthly, at annuan limit para maka-transact gamit ang inyong Coins.ph account.
Para maaprubahan sa Custom Limits, kailangan naming mag-review ng karagdagang impormasyon kung paano ninyo ginagamit ang inyong Coins.ph account. Kayo ay sasagot ng Custom Limits Request Form, kung saan tatanungin ang inyong impormasyon at kung paano ninyo ginagamit ang inyong account, pati na rin ang mga dokumentong nagpapakita ng inyong source of income.
NOTE: Kailangan ay level 3 address verified ang inyong account bago mag-apply sa custom limits. Pwede niyong i-check ang inyong verification level sa Identity Verification page sa Coins.ph app o via web browser.
Kayo ay makakatanggap ng confirmation email sa loob ng 48 hours after receipt ng inyong request.
Kung may katanungan, pwede niyo kami i-email sa help@coins.ph o magmessage ngayon gamit ang Coins.ph app.