Hindi po, sinusuporta lamang ng mga Coins.ph ETH wallets ang ETH at ang mga sumusunod na ERC-20 tokens:
Huwag pong magpadala ng ERC-20 tokens (maliban sa mga tinatanggap na token na nabanggit sa taas) sa inyong ETH wallet, dahil hindi makekredito o mababawi ang mga unsupported tokens sa inyong account.
Responsibilidad po nilang suriin ang lahat ng detalye ng transaksyon at ikumpirma na nagdedeposito lang kayo ng ETH at mga sinusuportang ERC-20 tokens sa inyong ETH address na nakalista sa deposit page bago tumuloy sa inyong transfer. Hindi na mababaligtad ang pagpapadala ng ERC-20 tokens sa maling ETH address at magreresulta sa pagkawala ng pondo.
Kapareho rin nito, siguraduhin din na ipapadala ang mga tokens gamit ang sinusuportahang network. Para sa karamihan ng ERC-20 tokens, maaari lang mag-credit ang Coins.ph ng mga transfers na dumaan sa Ethereum Main (ERC-20) network.
Alinsunod dito, iwasan ang pagpapadala nitong mga token gamit ang mga private networks o sidechains na hindi sinusuportahan ng Coins.ph (hal. BNB Chain, Polygon, atbp.). Pinaaalalahanan namin na hindi po kayang suportahan ng Coins.ph ang mga private networks na ito kung kaya't lahat ng ipapadala rito ay mawawala at hindi mare-recover.
Para sa buong listahan ng mga sinusuportahang networks ng bawat token, maaaring basahin itong artikulo: Anu-ano ang mga sinusuportahang network sa Coins.ph?