Sa pagsubaybay sa inyong Transaction Limits, mayroong dalawa (2) mahalagang bagay na dapat alalahanin:
1. Ang Transaction Limits ay hindi nangangahulugang magrerefresh sa simula ng bawat araw, buwan o taon.
2. Ang Transaction Limits ay magrerefresh +1 hour pagtapos ng isang araw/buwan/taon mula nang magawa ang transaction.
1. Ang Transaction Limits ay hindi nangangahulugang magrerefresh sa simula ng bawat araw, buwan o taon. Ang inyong limits ay magrerefresh ayon sa petsa ng inyong transaction.
Bilang gabay, ang limits refresh rates ay ayon sa sumusunod:
- Daily limit - magrerefresh isang araw pagtapos gawin ang isang transaction
- Monthly limit -magrerefresh 30 araw pagtapos gawin ang isang transaction
- Annual limit - magrerefresh 365 araw pagtapos gawin ang isang transaction
Ang inyong limits ay nagrerefresh ayon sa rolling basis, na nangangahulugan na hindi magrerefresh ang inyong limits nang isang bagsakan (hal. umpisa ng araw), kundi isang araw dagdag sa isang araw/ 30 araw/ 365 araw.
Monthly Limits Example:
Ang user ay may Monthly Cash In Limit na PHP2,000,000.
-
- Sa April 10, ikaw ay nagcash in sa halagang P100,000, na mag-iiwan ng P9,900,000 monthly cash in limit.
- Sa April 15, ikaw ay nagcash in sa halagang P50,000, na mag-iiwan ng P9,850,000 monthly cash in limit.
Ano ang mangyayari sa ika-10 ng May, 30 days pagtapos ng unang transaction?
-
- Sa May 10, ang inyong Monthly Cash In Limit ay magrerefresh lamang ng halagang P100,000.
- Sa May 15, ang inyong Monthly Cash In Limit ay magrerefresh na ng halagang P50,000.
- Ang inyong Monthly Cash In Limit ay babalik na muli sa kumpletong P10,000,000 pagdating ng May 15.
Note: Ang inyong Monthly limits ay hindi magrerefresh sa simula ng susunod na buwan. Halimbawa, ang inyong April 10 transaction sa halip ay magrerefresh sa May 10.
Annual Limits Example:
Kayo ay may Annual Withdrawal Limit na P120,000,000.
-
- Kayo ay nagsimulang maggawa ng cash out transaction nang April 10 onwards.
- Sa loob ng taon, inyong nagamit ang buong Annual Withdrawal Limit na P120,000,000 dahil sa magkakaibang outgoing Peso at crypto transactions.
Ang inyong Annual limits ay hindi magrerefresh sa simula ng susunod na taon, January 1. Sa halip, ang inyong annual limits para sa nasabing transaction ay magsisimulang magrefresh sa April 10 ng susunod na taon onwards.
Ano ang mangyayari sa April 10, isang taon makalipas ng unang transaksyon?
-
- Sa April 10, ang inyong Annual WIthdrawal Limit ay una munang magrerefresh ng halagang na-cash out noong April 10 ng nakaraang taon.
- Sunod sunod na dito ang pagrefresh ng inyong iba pang mga cash out transactions pagsapit ng nakatakdang araw.
Note: Kung ang inyong natitirang monthly o annual limits ay naubos na, maaaring magverify ng inyong account sa mas mataas na level upang tumaas ang inyong total limits, imbes na hintayin magrefresh ang inyong limits.
2) Ang Transaction Limit ay magrerefresh +1 na oras mula noong kailan nagawa ang transaksyon.
Daily Limits Example:
-
- Kung mag cash in sa April 10 ng 6 AM, ang inyong Daily cash in limits ay magrerefresh ng April 11, 7 AM.
Monthly Limits Example:
-
- Kung mag cash in sa April 10 ng 8 AM, ang inyong Monthly cash in limits ay magrerefresh pagkatapos ng 30 days sa May 10, 9 AM.
Note: Kung ang transaksyon ay ginawa gamit ang PESONet o ibang payment system na hindi agad nagpoprocess ang funds, ang basehan na ginagamit sa inyong limits refresh ay ang petsa at oras kung saan nakumpleto ang transaksyon, hindi ang petsa at oras na ginawa ang transaksyon.
Account Limits
Maaaring makita ang inyong natitirang limits sa Account Limits option ng inyong Account page sa Coins app o website.
Sa Coins app
Sa Coins website
Itoggle sa inyong nalalabing Daily, Monthly and Annual limits sa pagclick sa kanilang tabs.
Daily
|
Monthly |
Annual |
Para malaman kung ano anong transaction ang nabibilang sa inyong limits, maaaring bisitahin ang link dito.
Kung may karagdagang tanong, maaari kaming icontact gamit ang Coins app o Coins Support Form.