Sa pagsunod sa inyong Transaction Limits, mayroong 2 bagay na dapat laging alalahanin
1) Ang Transaction Limits ay hindi tiyak na nagrerefresh sa simula ng bagong araw, buwan, o taon, kundi ayon sa petsa ng inyong transaksyon.
Narito ang gabay kung kailan magbabago ang inyong transaction limits:
- Daily limit - magbabago sa loob ng isang araw matapos gawin ang isang transaction
- Monthly limit - magbabago sa loob ng 30 araw matapos gawin ang isang transaction
- Annual limit - magbabago sa loob ng 365 araw matapos gawin ang isang transaction.
Ang inyong limits ay nagrerefresh ayon sa rolling basis, na ang ibig sabihin ay hindi magrerefresh ang inyong limits sa iisang beses o iisang araw.
Monthly Limits Example:
Ang user ay may Monthly Cash In Limit na PHP2,000,000.
- Sa April 10, kapag nag cash in ng PHP100,000, ang matitira sa inyong monthly cash in limit ay PHP1,900,000.
- Sa April 15, kapag nag cash in ng PHP50,000, ang matitira sa inyong monthly cash in limit ay PHP1,850,000
Ang inyong Monthly limits ay hindi magrerefresh sa simula ng bagong buwan, May 1. Sa halip, ang inyong limits way magsisimula mag refresh sa May 10.
Ano ang mangyayari sa May 10th, 30 araw pagkatapos ng unang transaksyon?
-
- Sa May 10, ang inyong Monthly Cash In Limit ay unang magrerefresh ng PHP100,000 muna.
- Sa May 15, ang inyong Monthly Cash In Limit ay magrerefresh muli ng PHP50,000.
- Pagkatapos ay babalik na muli sa PHP2,000,000 ang inyong Monthly Cash In Limit.
Annual Limits Example:
Ang user ay may Monthly Withdrawal Limit na PHP120,000,000.
Ang withdrawal limit ay kombinasyon ng limit ng Peso at crypto. Ang anumang transaksyon na palabas ng Peso o crypto wallet ay mabibilang sa withdrawal limit.
-
- Ang user ay nagsimula gumawa ng mga cash out transactions sa April 10 onwards.
- Sa gitna ng taon, nagamit ni user ang Annual Withdrawal Limit na PHP120,000,000
Ang inyong Annual limits ay hindi magrerefresh sa simula ng bagong taon, January 1. Sa halip, ang inyong annual limits ay magsisimula magrefresh ng April 10 ng susunod na taon.
Ano ang mangyayari sa April 10, isang taon makalipas ng first unang transaksyon?
-
-
- Sa April 10, ang inyong Annual WIthdrawal Limit ay una munang magrerefresh ng halagang na-cash out noong April 10 ng nakaraang taon.
- Sunod sunod na dito ang pagrefresh ng inyong iba pang mga cash out transactions pagsapit ng nakatakdang araw.
-
Paalala: If ang inyong natitirang monthly o annual limits ay naubos na, maaaring i-verify ang inyong account sa mas mataas na level upang tumaas ang inyong total limits, imbes na hintayin magrefresh ang inyong limits.
2) Ang Transaction Limit ay magrerefresh +1 na oras mula noong kailan nagawa ang transaksyon.
Daily Limits Example:
-
- Kung mag cash in sa April 10 ng 6 AM, ang inyong Daily cash in limits ay magrerefresh ng April 11, 7 AM.
Monthly Limits Example:
-
- Kung mag cash in sa April 10 ng 8 AM, ang inyong Monthly cash in limits ay magrerefresh pagkatapos ng 30 days sa May 10, 9 AM.
Note: Kung ang transaksyon ay ginawa gamit ang PESOnet o ibang payment system na hindi agad pinoprocess ang funds, ang basehan na ginagamit sa inyong limits refresh ay ang petsa at oras kung saan na-kumpleto ang transaksyon, hindi ang petsa at oras na ginawa ang transaksyon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga uri ng transaction na magbibilang ng inyong limits, maaaring iclick itong link.
Kung may katanungan, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa help@coins.ph.