Masusundan ang inyong daily, monthly, at annual transaction limits sa pamamagitan ng rolling basis. Ibig sabihin, magbabago o mag-"rerefresh" ang inyong limits depende sa araw na gumawa kayo ng isang transaction.
Narito ang gabay kung kailan magbabago ang inyong transaction limits:
Daily limit - magbabago sa loob ng 24 oras matapos gawin ang isang transaction;
Monthly limit - magbabago sa loob ng 30 araw (720 oras) matapos gawin ang isang transaction; at
Annual limit - magbabago sa loob ng 365 araw (8,760 oras) matapos gawin ang isang transaction.
Halimbawa, ang inyong Coins.ph account ay mayroong 100,000 PHP monthly cash in limit. Nakapag-cash in kayo ng 20,000 PHP noong May 1, kaya naging 80,000 PHP ang inyong remaining limit.
Nag-cash in ulit kayo ng 15,000 PHP noong May 5, kaya naging 65,000 PHP na lang ang inyong remaining limit.
Sa June 1, (30 araw pagkatapos ng inyong unang transaksyon) ang inyong remaining monthly cash in limit ay magiging 85,000 PHP na dahil nag-"refresh" na ang inyong unang transaksyon na 20,000 PHP.
Sa June 5 naman, babalik na ulit sa 100,000 PHP ang inyong limits.
Tandaan lamang na ang limits ay hindi nag-rereset sa tuwing simula ng buwan. Sa halip, ito po ay nakadepende kung kailan nagawa ang inyong transaction/s.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga uri ng transaction na magbibilang ng inyong limits, maaaring iclick itong link.
Kung may katanungan, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa help@coins.ph.