Para malagyan o mapalitan ang profile picture ng iyong Coins.ph account, kakailanganin mong i-link ang iyong Facebook account sa iyong Coins.ph account. Kapag naka-link na ito, ang profile picture sa iyong Coins.ph account ay magiging katulad ng profile picture sa iyong Facebook account.
I-connect ang iyong Coins.ph at Facebook account sa pamamagitan ng pagpunta sa iyong Limits and Verifications page. Mag-scroll hanggang sa pinakababa ng page para makita ang mga social account na maaaring i-link sa iyong Coins.ph account:
Sa ibaba ng Facebook connection, pindutin ang “Connect”.
Kung may katanungan, pwede niyo kami i-email sa help@coins.ph o magmessage ngayon gamit ang Coins.ph app.