Ang Bitcoin Cash (BCH) ay isang cryptocurrency na isang fork ng Bitcoin (BTC). Ito ay nahati mula sa Bitcoin noong August 2017. Ang dalawang coins na ito ay magkatulad, pero ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng BCH kumpara sa BTC, ay ang BCH ay may increased block size. Ang pagtaas sa block size (mula sa 1 MB hanggang 8 MB sa oras ng fork - at ngayon sa 32 MB bilang ng Mayo 2018) ay nangangahulugan na ang higit pang mga transaksyon ay maaaring maiproseso sa loob ng isang single block.
Ang isa pang pagkakaiba ay ang BCH ay hindi nagpapatupad ng Segregated Witness (Segwit), na kabilang sa mga proposed na solusyon sa pag-scale para sa BTC. Pinapanatili ng BCH ang orihinal na code mula sa BTC (bago ipinatupad ng BTC ang Segwit). Ang pangunahing layunin ng BCH ay ang maproseso ang mga transaksyon sa mas mataas na volume habang nababawasan ang fees, kaya ang mga on-chain BCH transaction fees ay mas mura kumpara sa on-chain BTC fees.