Maaari ng mag-cash in instantly sa eTap Machines!
Sundin lamang ang sumusunod:
- Buksan ang Coins.ph wallet, at pumunta sa Cash In tab. Gumawa ng cash in order sa pamamagitan ng pagpunta sa Kiosk Payment option at piliin ang eTap Deposit.
- Iinput ang amount na nais i-cash in. Pakitandaan lamang na ang minimum amount para sa option na ito ay PHP 100, at mayroong 3% payment method fee.
- I-click at i-note ang reference number.
4. Pumunta sa pinakamalapit na eTap machine. Bisitahin ang link na ito para sa pinakamalapit na eTap location.
5. Sa eTap machine, piliin ang Top-up Wallet sa options, at i-tap ang Coins.
6. I-input ang pangalan, mobile number at ibang detalye na makikita sa cash in page.
Reference Number: (12-digit reference number na makikita sa Coins.ph cash in page)
Amount: Eksaktong amount kasama ang fees
Pakitaandaan na ang eTap machines ay hindi nag-iissue ng sukli
7. I-insert ang corresponding amount sa eTap machine at pindutin ang Done.
Mahalagang Paalala:
- Para masigurado ang successful na pag-cash in, siguraduhin na matched ang reference number at amount sa kanilang cash in order details.
- Ang mga eTap machine's ay hindi nagbibigay ng sukli in cash, sila ay nagbibigay ng change-receipt pins (makikita sa receipt) na maaari nilang gamitin sa kanilang susunod na transaksyon.
Ang inyong funds ay instantly maccredit sa inyong Coins.ph Peso wallet! Kung kailangan nila ng karagdagang tulong, maaaring magpadala ng mensahe sa help@coins.ph.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.