Upang magawa ang inyong XRP wallet, i-swipe right lamang ang main screen ng inyong Coins.ph app hanggang makita ninyo ang XRP screen. Pindutin lamang ang Send o ang Receive button upang magkaroon ng XRP wallet.
Kung gumagamit kayo ng web browser, pillin lamang ang XRP sa kaliwang bahagi ng screen (kasama ito ng ibang digital currencies). Matapos piliin ang XRP, i-click lamang ang maliit na QR code sa kanang bahagi ng balance box.