Tapos na ang panahon ng paghihintay! Maari na agarang bayaran ang SSS Member Contributions katulad ng:
- SSS - Voluntary
- SSS - Self Employed
- SSS - Non-working Spouse
- SSS - OFW
Narito ang kailangang gawin:
- Mula sa main screen, pindutin ang Pay Bills.
- Piliin ang SSS Contribution bilang Bill Type at piliin ang Contribution na nais bayaran.
Ilagay ang total na halaga ng babayaran.
Ilagay ang PRN, buong pangalan, panahon na binabayaran, halaga ng buwanang kontribusyon, at halaga ng flexi-fund. Kung wala kayong halaga ng flexi-fund, ilagay ang “0”.
*Maaaring mahanap ang inyong PRN at mga detalye ng inyong transaksyon sa pamamagitan ng pag log-in sa inyong SSS account https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/portal/home at i-generate ang PRN. Maaari niyong tignan ang screenshot sa ibaba bilang halimbawa.
Makatatatanggap kayo ng confirmation email sa sandali na maproseso ang inyong pagbayad. Dapat agarang mag-post ito sa inyong account.
Narito ang ilang mga paalala para sa pagbayad ng SSS Contribution sa Coins.ph:
- Kung hindi pa nababayaran ang inyong contribution noong nakaraang buwan, mangyaring siguraduhin na mag-generate ng updated na PRN para sa kasalukuyang kontribusyon.
- Isang beses lamang maaari gamitin ang Payment Reference Number (PRN) dahil nag-eexpire ito pagkatapos ng takdang oras..
- Ang bawat PRN ay kakaiba at nararapat para sa partikular na halaga na kailangang bayaran, kaya walang makakalusot na labis na pagbayad.
Kung may karagdagang tanong, mangyaring magpadala ng mensahe sa amin sa help@coins.ph