Madali lamang magbayad sa Traveloka gamit ang inyong Coins.ph Wallet. Narito ang mga hakbang para magawa ito:
Step 1: Piliin ang “Over-the-Counter” option sa ilalim ng “Payment” sa inyong Traveloka app.
Step 2: Piliin ang “Pay with Coins.ph” option
Step 3: Maglog-in sa inyong Coins.ph account at bayaran ang eksaktong halaga.
Pagtapos nito, matatanggap na ang inyong e-ticket o hotel voucher sa inyong email. Matatagpuan rin ang inyong booking details sa My Booking Section ng inyong Traveloka app.
Ganun lamang kadali! Maaari nang subukang magbayad ng inyong Traveloka bookings gamit ang Coins.ph account.