Mabilis at madali lamang lagyan ng pera ang inyong Philstocks account gamit ang Coins.ph!
Paglagay ng pera sa Philstocks gamit ang app
Step 1: Mag log-in sa inyong Philstocks Account at piliin ang Coins.ph sa “Add Funds” option
Step 2: Ilagay ang nais na halaga at pindutin ang “Proceed”
Step 3: Muling suriin ang mga detalye ng pagbayad at piliin ang “Pay with Coins”
Step 4: Mag log-in sa inyong Coins account
Step 5: Kumpirmahin ang inyong transaksyon sa pamamagitan ng pagpili ng “Pay”
Paglagay ng pera sa Philstocks gamit ang web
Step 1: Matapos mag-login sa Philstocks account sa web, pindutin ang `Request` na nasa kanan na bahagi ng website.
Step 2: Sa Add Fund Page na nasa ilalim ng Mode of Payment, piliin ang Online Banking.
Step 3: Piliin ang Coins.ph
Step 4: Ilagay kung magkano ang gusto ninyong idagdag sa Philstocks galing sa inyong Coins.ph wallet at kumpirmahin ang transaksyon.
Step 5: Mag-login sa Coins.ph na lalabas sa bagong window.