Ang login attempt email na natatanggap mula help@coins.ph ay isang security measure para ipagbigay-alam sa iyo ang kahit anong login attempt sa iyong account gamit ang unrecognized device.
Kapag ang detalye (tulad ng date ng log in attempt, IP address, bansa, at browser/device) na nakikita sa log in attempt email ay gawa mo, maaari mong ipagwalang-bahala ang aming message.
Ngunit, kapag hindi mo nakikilala ang detalye ng log in attempt, ginigiit naming gawin ang sumusunod:
- Siguraduhin ang seguridad ng iyong account sa pamamagitan ng pagpalit ng password nito. Mangyaring sundin ang steps sa article na ito: Paano palitan ang aking password?
- I-message kami ngayon sa Coins app o via email sa help@coins.ph. Mangyaring i-attach ang screenshot ng log in attempt sa iyong message para ma-review ito ng aming team.