Madali lang magdagdag ng pera sa inyong Coins.ph wallet gamit ang Western Union! Kailangan lamang nila ang sumusunod na detalye mula sa sender: (1) reference number (MTCN) at (2) estimated amount.
Karagdagang impormasyon: Paano magpadala ng pera mula sa Western Union branch?
Kapag mayroong na ng MTCN at estimated amount na matatanggap, sundin lamang ang mga sumusunod:
Step 1: Buksan ang Coins.ph app at pindutin ang ‘Receive’ o ‘Cash In’
Step 2: Piliin ang Western Union sa Receive PHP screen o Cash In Method screen.
Step 3: Ilagay ang MTCN at ang estimated amount na matatanggap at i-tap ang `Claim funds`
Paalala:
- 100,000 PHP ang monthly cash in limit para sa mga Western Union cash-ins.
- Magagamit lamang ang serbisyong ito ng mga ID at Selfie Verified customers. Alamin kung paano mag-verify ng ID dito
Tumanggap ng mga remittance mula sa higit 200 bansa at teritoryo nang direkta sa inyong Coins.ph wallet!