Madali lang magpadala ng pera mula sa Western Union branch! Kumpletuhin lang ang mga ito upang makapag-claim ng cash-in sa inyong Coins.ph account:
1. Pumunta sa anumang Western Union agent location. Siguraduhing may dalang valid government ID na gagamitin sa susunod na mga hakbang.
2. Mangyaring punan ang Send Money form na makukuha nila sa Western Union branch. Ibigay ang mga sumusunod sa kahera/kahero:
- Pangalan, bansa, at lungsod ng inyong recipient
- Halaga na nais ninyong ipadala
- Inyong valid government ID
3. Ita-type ng kahera/kahero ang impormasyong nakalathala sa inyong Send Money form. Kapag kumpleto na ito, i-pi-print nila ang form na magsisilbing resibo/katunayan ng inyong pagbayad. Pagkatapos ninyong tiyakin ang impormasyon, ilagda at petsahan ang dokumentong ito.
4. Bayaran ang halaga ng transfer at mga fees nito.
5. Magbibigay ang kahera/kahero ng resibo sa inyo na may nakalagay na MTCN at ang tinatantiyang halaga na makukuha ninyo. Ibahagi ang MTCN at halaga sa inyong recipient, at agad nilang makukuha ang pera sa kanilang Coins.ph app!
Konektado: Paano mag-cash in sa Western Union?
Paalala:
- 100,000 PHP ang monthly cash in limit para sa mga Western Union cash-ins.
- Ilagay lamang ang Unang Pangalan at Apelyido ng inyong recipient.
- Kailangang ID and Selfie Verified ang recipient para makatanggap ng mga Western Union remittance. Alamin kung paano mag-verify ng ID dito
Magpadala mula 200+ bansa at teritoryo nang direkta sa inyong Coins.ph wallet!