Gamitin ang Western Union Online upang mag-padala ng pera sa inyong Coins.ph account! Kung wala pa kayong account, mag-sign up dito.
Narito ang mga hakbang upang magpadala ng pera sa inyong recipient (na may halimbawa mula sa US site):
1. Piliin ang ‘Philippines’ bilang ‘receiver’s country’, at ilagay ang halaga na nais n'yong ipadala. Piliin ang ‘Cash Pickup’ bilang ang delivery method.
2. Piliin ang inyong payment method. Paalala po lamang na nag-iiba ang Western Union fees ayon sa pipiliing payment method.
3. Ilagay ang pangalan ng inyong recipient. Siguraduhin na tugma ang Unang Pangalan at Apelyido ng inyong recipient sa pangalan ng kanilang Coins.ph account. Opsyonal lang ang email ng recipient at/o ang mobile number, kung nais ninyong abisuhan ang recipient tungkol sa magaganap na transfer.
4. Pumili ng credit o debit card upang makapagbayad, o mag-dagdag ng panibagong card.
5. Suriin ang mga detalye ng inyong transaksyon. Kung tama lahat, i-click ang ‘Continue’.
6. Kumpleto na ang inyong transfer! Ibigay ang MTCN at ang eksaktong halaga ng transfer sa inyong recipient. Maaari na nilang i-claim ang transfer na ito sa kanilang Coins.ph wallet!
Paalala:
- 100,000 PHP ang monthly cash in limit para sa mga Western Union cash-ins.
- Ilagay lamang ang Unang Pangalan at Apelyido ng inyong recipient.
- Kailangang ID and Selfie Verified ang recipient para makatanggap ng mga Western Union remittance. Alamin kung paano mag-verify ng ID dito
Magpadala mula 200+ bansa at teritoryo nang direkta sa inyong Coins.ph wallet!