Nakatanggap ka ba ng error na nagsasabing hindi nag-match ang MTCN at amount na nilagay mo?
Sa Coins.ph app, may pop up error message na lalabas sa app kung ang MTCN at amount na nilagay ay hindi tugma.
Kapag nasa Coins.ph website, may error message na lalabas sa itaas ng ‘Next’ button.
Kung naranasan niyo ang error na ito, pakicheck muli ang MTCN at amount na inyong inilagay. Siguraduhin na ang amount na ilalagay ay ang Payout Amount (amount less fees) na makikita sa inyong resibo at hindi ang Total Amount.
Kung tama talaga ang mga ito, magpadala ng mensahe sa help@coins.ph.