Ang Coins.ph ay hindi naniningil ng karagdagang fees sa recipient kapag tatanggap sila ng cash in mula sa Western Union gamit ang kanilang Coins.ph wallet. Matatanggap nila ang kabuuang halaga ng kanilang MTCN.
Mahalagang tandaan na ang Western Union ay mayroong sariling fees sa pagpoproseso ng kanilang transaksyon.
Nag-iiba ang fees ng Western Union transfers ayon sa lokasyon ng sender, destinasyon ng recipient, pamamaraan ng pagbayad, at oras ng pagpapadala. Upang tantiyahin ang fees ng anumang Western Union transfer, mangyaring magpunta lamang sa site na ito.
Kung magpapadala kayo mula sa labas ng Pilipinas, mangyaring tandaan na nag-iiba ang exchange rates ayon sa halaga ng salapi at oras kung kailan isinagawa ang transaksyon.