Para makatanggap ng pera mula sa Western Union, kinakailangan na mayroong current ID on file ang mga customers. Kung ang ID na sinumite ng isang verifed account ay expired na, kinakailangan na magpasa ng panibagong ID para magamit ang feature na ito. Kapag pinili ang Western Union, makakakita ng prompt kung kinakailangan na magsumite ng panibagong ID.
Maaari din na hingin ang issuance country at issuance date ng ID, depende sa ID type na isinumite at sa araw na na-verify ang account.
Para sa listahan ng mga tinatanggap na valid ID sa aming platform, mangyaring magtungo sa article na ito.
At kapag nakapag-update na sila ng KYC, maaari niyong suriin ang Western Union cash-in process dito.