Mas pinadali na ang pagload sa inyong Autosweep gamit ang inyong Coins.ph App! Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa Autosweep, tignan lamang ang mga sumusunod:
Ano ang Autosweep?
Ang Autosweep ay isang RFID device na ikinakabit sa mga sasakyan. Dahil sa device na ito ay posible na ang cashless na pagbayad ng toll fees sa SLEX, Skyway, NAIAX, at MCX.
Ang pagkuha ng Autosweep RFID ay makatutulong sa pag-iwas sa mahabang paghihintay sa mga “CASH” lanes.
Kailangan ba ng Autosweep account para makapagbayad gamit ang Coins.ph Wallet?
Para makapagload gamit ang Coins.ph, kinakailangan na mayroong active Autosweep account.
Paano magload sa Autosweep?
- Buksan ang Coins.ph App at pindutin ang Cash Out
- Pindutin ang Tollway Credits at piliin ang Autosweep RFID
- Ilagay ang halaga na gustong i-load (minimum amount ay ₱500)
- Ilagay ang card number o plate number na konektado sa Autosweep account
- Gawin ang Slide to Pay sa ibabang bahagi ng transaksyon.
Kailangan bang rehistrado ang plate number sa Autosweep account?
Para sa mga Autosweep premium account holders, maaaring gamitin ang registered plate number para makapagload gamit ang Coins.ph. Para naman sa mga non-premium account holders, maaaring gamitin ang Card Number na makikita sa ibabang kanang bahagi sa likod ng Autosweep card:
Paalala: Sa Autosweep statement, maaaring mapangalanang plate number ang card number.
Saan magagamit ang Autosweep RFID?
Maaaring gamitin ang Autosweep RFID sa mga sumusunod na expressways: SLEX, Skyway, NAIAX, at MCX.
May bayad ba sa pagload ng Autosweep gamit ang Coins.ph?
May charge na ₱10 fee kapag nag load sa Autosweep RFID gamit ang Coins.ph.
Ano ang pinagkaiba ng Autosweep at Easytrip?
Ang Autosweep RFID ay tinatangaap sa mga sumusunod na expressways:
- Skyway
- SLEX
- NAIAX
- MCX
Ang Easytrip eTag ay tinatangaap sa mga sumusunod na expressways:
- NLEX
- SCTEX
- CAVITEX
Nagkamali ako sa paglalagay ng plate number. Ano ang gagawin ko?
Para sa ibang katanungan, huwag mahiyang magpadala ng mensahe sa aming email na help@coins.ph o i-tap and “send us a message” sa Coins.ph App.